Noon,Ngayon
at Bukas
Sa panahon ngayon
maraming mga gamit ang nag-uusbongan na siyang nagiging dahilan kung bakit
napapadali ang mga gawain. Iba't ibang kagamitan na nagpapatiwasay sa buhay ng
tao. Mga nakagawiang kultura noon ay napapalitan ng bago ngayon at sa susunod
pang henerasyon. Ano nga ba ang dahilan ng mga pagbabagong ito? Saan nga ba
nagsimula ang lahat?
Narito ang dahilan at
babaliktanawin natin ang nakaraan.
Noong unang panahon ang ginagawa ng ating mga ninuno sa paggawa ng mga bagay-bagay
ay mano-manu lamang at naging maganda naman ang kalalabasan nito. Ang kanilang
mga ginagamit na mga teknolohiya ay talaga namang patok sa kanilang panahon
gaya na lamang ng radyo, telebisyon na black and white at type writer. Ang
mga teknolohiya sa panahon ngayon ay nag-uusbungan na kung saan tinutulungan
ang mga tao na padaliin ang mga gawain. Meron ng mga gadgets at internet na
isang pindot mo lang ay lalabas na ang iyong hinahanap. Hindi na kailangan
pumunta pa sa silid aklatan buong hapun para lang maghanap ng mga bagay-bagay.
Noon
ang tanging sanggunian ng mga mag-aaral ay ang silid aklatan. Maglalaan sila ng
matagal na oras para sa paghahanap ng impormasyon. Noon ang ginagamit sa pagtuturo ay ang yeso at pisara
upang matuto lamang ang mga mag-aaral.
Ngayon sa pagtuturo naman kalimitan na lang ginagamit ang yeso at pisara
dahil nandiyan na ang laptop at projector na magsisilbing kagamitan sa
paglalahad ng paksa.
Ang mga kabataan
noon ay nagmamano sa mga nakatatanda at nagsasabing Po at Opo. Kung may bisita
naman sa kanilang bahay at naging pasaway sila ay pinanlalakihan lamang sila ng
mga mata ng kanilang magulang hudyat para sila ay huwag maingay. Ngayon Sa mga kabataan ngayon bihira na lamang ang
nagsasabing po at opo. Pagdating naman sa pagiging pasaway hindi na epektibo
ang panlalaki ng mga mata dahil panlalakihan ka na rin ng mga mata nila. Lulong
na rin ang mga kabataan sa mga teknolohiya ngayon na siyang pinakaproblema ng
lahat ng mga magulang sapagkat hindi na nila kontrolado ang bawat kilos ng mga
kabataan.
Kung sa panahon
ngayon ganito na ang mga gamit, kabataan at ang kultura ay ano pa kaya sa
susunod pa na mga taon. Mas magiging adik na ang mga kabataan sa sinasabing
teknolohiya dahil sa mga panibagong umuusbong kasabay ng paglipas ng panahon.
photo Credit : Google.com